Lucky 9
Pare-pareho na lamang ba ang mga lucky 9 casino games na iyong nado-download at nalalaro? Wala na bang bago o iba sa mga larong ito? Nais mo ba ng kakaibang twist o kakaibang klase ng Lucky 9 casino game? Nakakabagot na ba ang pare-parehong gameplay at walang excitement na laro? Naghahanap ka ng isang laro na may buhay at makakaparamdam sa iyo ng kakaibang adrenaline rush?
Kung ito ang mga katanungan na siyang pumapasok sa iyong isipan, ang Kabibe App ang siyang magiging sagot sa mga ito. Ang mga laro ng Kabibe App ay talagang nakaka-excite, kakaiba at punong-puno ng kulay at aliw na siyang ipaparamdam sa iyo ng laro.
Ang mga laro dito ay hindi lamang basta-bastang mga laro. Ito ay mga kakaiba sa mga casino game o casino app. Pwede mo itong laruin kahit saan ka man magpunta dahil ito ay pwede sa iyong mobile phone.
Ano ang Kabibe App at Lucky 9?
Ang Kabibe App ay isang downloadable mobile game app na makikita sa Google Playstore, Google Search box at gumagamit ng APK format para sa download. Ito ay hindi available o pwede sa mga iOS na mga mobile phone.
Ang Kabibe App ay isang app na walang Ads o Pop-ups katulad ng ibang mobile game. Ang revenue o kita ng App ay dedepende sa mga manlalaro nito at sa mga nagcacash-in upang bumili ng coins na pangtaya. Ito ay may Easy to use na interface at high-definition o mataas na kalidad ng graphics. Ito ay pwedeng laruin o mabuksan sa mga koneksyon na gumagamit ng 2G,3G at 4G na network.
Ngunit dahil sa ito ay sikat ng App,mayroon ng mga gumagaya sa App at ginagamit ang kanilang pangalan. inaabisuhan ang mga manlalaro na i-download lamang ang lehitimong App na makikita sa Google Play Store o lehitimong download link.
Ang Lucky 9
Ang Lucky 9 ay isang house-banked game na may scoring system tulad ng Baccarat at nilalaro tulad ng Blackjack gamit ang 1-8 standard ng 52-card deck. Ang layunin ng laro ay talunin ang dealer na may mas mataas na score o value ng hawak na baraha na malapit sa score na 9. Ang mga sampu sa baraha at mga face card katulad ng King, Jack, Queen ay nagkakahalaga ng 0 puntos, ang mga ace ay nagkakahalaga ng 1 puntos, at 2-9 ay may parehong face value ng numero. Ang isang hawak na baraha ay kinakalculate base sa huling digit ng total na bilang ng baraha na hawak ng manlalaro. Kasama rin sa Lucky 9 ang opsyonal na bonus at mga progresibong taya.
Ang Lucky 9 ng Kabibe App ay may parehong rules. Ngunit ang table o play room ay nahahati sa 4 na uri depende sa iyong budget o coins.
Paano Laruin ang Lucky 9?
Ang apat na table o room ng Lucky 9 ay ang Newbie, Superior, Master at Legend. Kung ikaw ay may hawak na 10 coins, ikaw ay pwede sa Newbie, kung 20 coins naman ikaw ay papasok sa Superior, 50 naman sa Master at 100 coins naman sa Legend.
Sa oras na ikaw ay makapasok na sa laro, ang dealer ay bibigyan ng tigdadalawang baraha ng dealer ang bawat manlalaro. Sa oras na mabigyan ka na ng iyong baraha, i-aadd mo ngayon ang dalawang barahang ito at kukunin ang total na sum ng mga baraha. Kung sa tingin mo ay mataas na ang iyong hawak na baraha kesa sa dealer, pwede ka ng mag-settle dito at hintaying ang iba pang manlalaro. Ngunit kung sa tingin mo ito ay mababa, pwede ka pang humingi na isa pang baraha. Kapag 9 ang naging total ng iyong dalawang baraha, awtomatikong ikaw ay panalo.
Ang larong Lucky 9 ay mayroon ding mga optional Bonus Wagers na kung saan ang manlalaro ay makakatanggap ng Bonus 9 kung ang unang dalawang card na hawak nya ay may total na 9. At Tie naman kung ang hawak nyang mga baraha ay may parehong total na baraha o puntos sa dealer na baraha. Ang wager na ito ay may bayad na 7 to 1.
Maaari ka lamang humingi ng extrang baraha ng isang beses lamang dahil ang dapat na hawak mong baraha ay hanggang tatlo lamang.
Tips at Tricks sa Paglalaro ng Lucky 9
Lucky 9 ang isa sa mga pinaka-madaling card game na pwede mong laruin sa casino o online casino games. May mga ilang nagsasabi na ito ay hindi kailangan ng isang espesyal na skill o strategy. Meron din namang nagsasabi na may ilang mga gamers ng lucky 9 ang nakakalkula o nahuhulaan ang mga baraha na hawak nila at ng iba pang manlalaro.
Madali lamang matapos ang larong Lucky 9 hindi katulad ng ibang casino games na inaabot ng mahigit sa tatlumpu hanggang isang oras na laro. Isa sa mga tintingnan na strategy ng mga manlalaro ay ang kung ang iyong hawak na cards ay nasa 0-5, maaari ka pang humingi ng isa pang card upang tumaas ang value ng iyong hawak na card. Kapag 6 pataas naman, hindi mo na kailangan pang humingi ng karagdagan dahil tataas ang tyansa na ang magiging last digits ng iyong card ay bababa.
Konklusyon
Nais ng Kabibe App na makapaghatid ng saya at aliw sa mga Pilipino. Online games o laro ang hilig ng mga tao na maging pampalipas oras mula sa trabaho o sa kung ano man ang kanilang ginagawa sa pang-araw-araw. Dati, kakailanganin pang lumabas ng mga tao. Ngunit dahil sa teknolohiya, nagagawa na nilang maglaro ng mga online games o casino games kahit sila ay nasa bahay lamang o kahit saan sila magpunta. May ilang laro na nangangailangan ng internet connection at mayroon din namang pwedeng laruin offline.
Ang Kabibe App ay may mga larong tiyak na iyong magugustuhan at hindi mo na kakailanganin pang lumabas. Pwede ka ring makipaglaro sa iyong mga kaibigan o kapamilya. Hindi ka lamang maglalaro dito sapagkat pwede ka pang manalo ng totoong papremyo. Nakapag Lucky 9 ka na, kumita ka pa! Kaya, umpisahan mo na ang pagtaya sa Lucky 9 at manalo habang nag-eenjoy.