Instructions to Recharge Kabibe Game
Isa sa features ng Instructions to recharge Kabibe Game ay ang pagkakaroon ng mabilis at walang hassle na transaksyon. Mapa-cash in o cash out ay agad itong mapoproseso sa mismong araw ng transaksyon kaya hindi ka maiinis sa tagal. Ang maganda pa rito ay madalas silang nag-aupdate tungkol sa kasalukuyan status ng iyong transaksyon. Real-time ang matatanggap mong updates gamit ang prompts sa in-game mail. Nangangahulugan ito ng accountability mula sa Kabibe Game at patunay na may maayos silang customer care.

Paano mag-recharge sa Kabibe Game?
Napakadali lang makapag-cash in sa Kabibe Game dahil ang kailangan mo lang gamitin ay verified GCash account o bank cards. Para makapag-cash in sa Kabibe Game, narito ang step-by-step na proseso na makakatulong sa iyo. Pumunta sa homepage at makikita mo sa kanang itaas na bahagi nito ang bilang ng coins na mayroon ka.
Katabi nito ang kulay berde na may plus sign sa loob (tignan ang litrato sa itaas kung saan nakaturo ang kulay pulang arrow). I-click ang button na iyon para mabuksan ang Store window.
Makikita sa Store window ang mga seksyon para sa Gcash Official, Bank, Record, Service, at How to Cash in. Tulad ng nabanggit kanina, kailangan mo lang ng verified GCash account o bank cards para makapag-cash in. Kaya naman may dalawang opsyon na nakalagay sa Store window na maaari mong pagpilian.

Mag-recharge sa Gcash Official
Ang litrato sa itaas ang makikita mo kapag GCash Official ang iyong pinili. Maaari kang pumili kung magkano ang nais mong i-cash in sa Kabibe Game. Ang mga opsyon ay 100, 200, 500, 1000, 2000, 5000, 10,000, at 20,000 Gold. Mapapansing may dagdag na ilang Gold sa bawat pagpipilian, halimbawa mayroong 50 Gold kapag pumili mula 200 hanggang 20,000.
Pagkatapos mo pumili ng halaga ng Gold na nais mong kunin, i-click ito para idirekta ka sa panibagong browser.
Mapupunta ka sa page ng GCash para i-log in ang iyong account. Ilagay mo ang iyong mobile number at i-click ang Next button. Kailangan naglalaman ang iyong GCash ng sakto o higit sa ibabayad mo sa merchant na ang Amberstar. Halimbawa ang pinili mo ay ang 100 Gold, dapat may lamang ang iyong GCash account na hindi bababa sa 100 pesos.
Gamit ang mobile number na iyong nilagay, makakatanggap ka ng text message na naglalaman ng 6-digit authentication code.
Kung sakaling wala kang natanggap na text message matapos ang ilang minuto, pwede mo itong i-resend. I-click ang Resend button matapos ang countdown sa tabi nito. Pagkatapos mong ilagay ang authentication code, didiretso ka naman sa pag-login gamit ang iyong 4-digit MPIN.
Kailangan mong ilagay ang 4-digit MPIN mo para i-log in ang iyong GCash account. Pagkatapos nito, ididirekta ka sa page para tuluyang makapag-cash in mula sa iyong GCash.
Makikita rito ang available balance at kung magkano ang ibabayad mo sa transaksyon. Dito papasok ang binanggit kanina na dapat mas mataas ang iyong avaialable balance kumpara sa nais mong ibayad. Halibawa, mayroong kang 190.21 pesos na available balance sa iyong account kaya maaari kang magbayad ng halagang 100 pesos. Sapagkat mayroon ka pang sapat na pera para maisagawa ang transaksyon. Huwag kalimutang i-click ang Pay button sa ibabang bahagi ng screen.
Malalaman mong naging matagumpay ang transaksyon kapag lumabas ang iyong resibo rito. Nakalagay rito na nakapagbayad ka ng iyong nais na halaga sa Amberstar gamit ang GCash. Makikita mo rin dito ang reference number pati na ang petsa at oras ng transaksyon. Pagkatapos nito ay i-click ang Proceed button, bagaman kusa ka pa rin nitong ibabalik sa merchant matapos ang ilang segundo.

Iyon ang instruksyon sa pag-cash in gamit ang GCash.
Mag-recharge sa Bank
Kapag naman Bank ang iyong piniling mode of transaction, ang litrato sa ibaba ang makikita mo.
Mapapansing pareho lang naman sa GCash Official ang mga pagpipilian kapag bank ang iyong gagamitin. Dahil bank ang iyong pinili, maaari kang mamili kung BPI, RCBC, o UnionBank ang bank card na iyong gagamitin. I-click lamang ang partikular na bank na gagamitin mo at makikitang magiging kulay kahel ang box nito. Pagkatapos nito, i-click ang halaga na nais mong i-cash in at magbubukas ang window na magdidirekta sa’yo sa browser. Dito mo ilalagay ang iyong detalye tulad ng username at password sa iyong napiling bank.
Nakalagay sa litrato sa ibaba ang makikita mo kapag BPI Online ang iyong pinili.
Ididirekta ka nito sa website ng BPI Authentication page kung saan nakasaad ang terms and conditions sa simulang bahagi nito. Dito mo ilalagay ang iyong username at password para i-authorize ang iyong BPI Online Bank account sa Dragonpay.
Samantalang kung ang pinili mo naman ay RCBC Online, ididirekta ka nito sa website ng Dragonpay tulad ng nasa litrato sa ibaba.

Makikita rito kung magkano ang halaga ng pera ang babayaran mo sa Amberstar (Amber Star Lending Corporation). Kailangan mong piliin ang bank na gagamitin mo mula sa available fund sources dito. I-click dropdown button na nakalagay ay “Select a Payment Option” sa tabi ng Source. Hanapin sa Online Banking/E-Wallet nito ang RCBC Online Direct Debit. Pwede mong gamitin ang RCBC Online Banking nang real-time.
Pagkatapos mong i-click ang Select button, ididirekta ka ng browser sa website ng RCBC Online Banking. Makikita sa litrato sa itaas ang mismong page na makikita mo. Dito mo ilalagay ang iyong User ID at Password.
Bilang panghuli, kapag UnionBank naman ang iyong piniling bank, ididirekta ka nito sa kanilang website. Nasa litrato sa ibaba ang iyong makikita sa page.
Ito ang lalabas sa browser para i-confirm ang iyong online payment. Tulad ng mga nauna, kailangan mo ring ilagay ang iyong user ID at password para makapag-log in sa UnionBank.
Bukod pa rito, makikita rin sa Store window ng Kabibe Game ang record ng iyong mga nakaraang transaksyon. Kung saan makikita ang petsa, order ID, dami ng Gold, halaga ng pera, at ang state nito. Sa pag-click naman ng How to Cash in button, mapupunta ka sa Service window. Naglalaman ito ng mga kadalasang katanungan sa Kabibe Game kung saan sinasagot nila ang bawat isa rito.
Konklusyon
Bilang kabuuan, napatunayang madali at walang hassle nga ang pag-cash in sa Kabibe Game mula sa GCash o bank. Walang problema sa transaksyon anumang oras ka mag-recharge. Basta ang mahalaga lang ay ang iyong detalye sa pag-log in pati na rin ang pagkakaron ng sufficient balance. Bukod dito, wala ka nang ibang kailangan pa sa pag-cash in kaya naman hindi talaga ito hassle sa sinoman. Huwag kalimutang gamitin ang article na ito bilang gabay sa iyong pag-recharge sa Kabibe Game!