Animal world – Play online free at Kabibe Game
Ikaw ba ay isang player na mahilig pumasok sa Animal world? Ninanais mo bang makapaglaro ng isang laro na involve ang iyong mga paboritong hayop tulad ng agila o rabbit? Marahil ay naghahanap ka ng isang kakaibang betting game na kung saan hindi masyadong komplikado o mahirap ang gameplay. Ikaw ay nagsasawa na sa paulit-ulit na graphics, paulit-ulit na laro na iyong nakikita sa online. Ngunit, makakita ka man ng laro na iyong gusto ay hindi mo naman maintindihan paano ito laruin o paano manalo dito.

Inirerekomenda ng karamihan na subukan ang Kabibe App kung saan makikita mo rito ang isang laro na tiyak na iyong magugustuhan at gigising sa iyong pagiging animal lover. Ang Animal World. Sa artikulong ito, malalaman at matututunan mo ang epektibong paglalaro ng Animal World at kung paano ka mananalo sa larong ito.
Ano ang Kabibe App at Animal World?
Ang Kabibe App ay isang Play and Earn na platform. Ang mga manlalaro ay iniengganyo na maginvest o gumastos ng kaunti upang manalo ng malaki o makapag umpisa maglaro. Upang maging madali ang lahat para sa mga manlalaro sa pag-umpisa sa app na ito, ang kabibe app game ay nagbibigay ng login bonus ng libre. Ang bonus na ito ay sapat upang ang player ay makapaglaro at mapalago ang hawak nyang coins.
Ang Kabibe App ay mayroong commission based system para sa mga agents nito at referrals. Ang Money making process ng app na ito ay madali lamang hindi tulad sa ibang app. Lahat ng nakuhang coins o chips ay pwedeng ipalit o i-convert sa cash. Ang cash na ito ay pwede namang withdrawhin gamit ang Gcash o e-wallet application na meron ang kabibe app.

I-download ang Kabibe app gamit ang link na ito o hanapin ito sa play store.
Ang Animal World Game
Ang Animal World ay isang uri ng betting game. Dito, ikaw ay pipili ng hayop na gusto mong ilagay ang iyong taya. Dito ay may tatlong uri ng hayop na pwede mong tayaan. Ang mga ibon, ang mga panlupang mga hayop tulad ng leon at panda at mga pating. Ang mga manlalaro ay may kabuuang labing-isang betting zones na pagpipilian at kada zone ay may iba’t-ibang winning multiplier.
Ang larong ito ay makulay at nagpapakita ng kagandahan ng kalikasan at kahalagahan ng mga hayop sa pamamagitan ng paglalaro.
Ang Animal World ay makikita sa loob ng Kabibe App. Sa oras na mabuksan mo na ang app, pindutin ang Animal World para ma-download ang data nito at ma-renew. Madali lamang ito mag-download at hindi ganoon kalaking data o mb ang kakainin nito sa iyong internet connection.

Ang laro ay para lamang sa may edad 18 pataas dahil isa itong larong pagsusugal.
Paano Laruin ang Animal World?
Ang isang round ay maguumpisa kapag lumabas na ang agila na may dalang mensahe na “start betting”. Piliin ang halaga ng iyong taya sa ibaba ng screen. Ang halaga ay mula sa 1 coin hanggang 500 coins. Pumili ng mabilis dahil kapag lumabas na ang mensaheng “stop betting” ay hindi ka na makakataya. Ilagay ang iyong taya sa nais mong hayop na may kaukulang multipliers. Kapag nakaset na ang lahat, may dilaw na ilaw ang lilibot sa mga betting zones. Kapag ito ay tumigil sa zone o hayop na iyong tinayaan, ikaw ang panalo. Dedepende ang halaga o amount ng iyong panalo sa multiplier ng zone o hayop na iyong tinayaan. Ngunit hindi lamang ikaw ang mananalo. Anuman ang kategorya ng hayop na tinigilan ng dilaw na ilaw, lahat ng hayop na nasa ilalim ng kategoryang ito ay panalo din.
Winning Prize ng Animal World

Para sa mga ibon, ang pigeon ay may x6 na panalo, ang peacock ay may x8 na panalo, ang dove o kalapati ay may x8 din na panalo at ang eagle o agila ay may x12 na panalo.
Para sa mga walk animal naman, Ang Rabbit ay may x6 na panalo, ang panda ay may x8, ang monkey ay may x8 at ang leon ay x12.
Para sa mga shark, ang grey na shark ay may x24 at ang yellow o gold na shark ay x 100.
Hindi lamang mga hayop ang nandito sa betting zone. May bomba at treasure chest din. Kapag ang dilaw na ilaw ay tumapat o tumigil sa bomba, lahat ng taya ng players ay mawawala. Ngunit, kapag ang ilaw ay tumapat sa treasure chest, lahat ng players ay mananalo.
Tips at Tricks sa Paglalaro ng Animal World
Unang bagay na kailangan mong tandaan ay ang pag-aralan muna ang board. Tingnang mabuti kung aling zone ang may malaking premyo o multiplier. Huwag basta-basta maglalagay kung saan-saan ng iyong taya upang hindi ito masayang. Inirerekomenda din na mag-umpisa muna sa maliit na taya hanggang sa lumago ito. Sa oras na lumago ang iyong puhunang taya, maaaring tumaya sa iba’t-ibang zone o hayop upang mas malaki ang posibilidad ng iyong pagkapanalo at makabalik muli ang iyong puhunan. Tingnan din ang results analysis at pag-aralan kung aling hayop o zone ang may mataas na porsyento ng posibilidad ng pagkapanalo. Sa result analysis, makikita mo dito kung mas mataas ang porsyento ng pagkapanalo ng mga walker animals laban sa birds o mga ibon. Malaking tulong ito sa pagdedesisyon mo kung anong hayop o zone ka maglalagay ng taya.

Konklusyon
Sa dami ng laro at apps na makikita mo sa internet, isa ang kabibe game app sa tinatangkilik ng mga manlalaro dahil sa kaaliw-aliw at napakadaling gameplay nito. Ayon sa karamihan, ang kabibe app game ay user friendly at hindi mahirap i-navigate.
Nakakatuwa din ang mga casino games na nasa app na ito. Ang mga laro ay kakaiba at walang katulad ngunit madali at hindi mahirap manalo sa mga larong ito. Maganda din ang graphics at animation. May cash-out at cash-in system pa ang app na ito na tiyak na magugustuhan ng mga manlalaro. Ang Animal world game ay saktong-saktong laruin ng mga animal lovers at nature lovers.